The Four PillarsAng Buklod CSSP ay ginagabayan ng apat na prinsipyo:
- K-apangyarihan ng Mag-aaral - A-kademikong Kagalingan - P-anlipunang Katwiran at Kaunlaran - P-rogresibong Multi-Perspektibong Aktibismo KAPANGYARIHAN NG MAG-AARAL Naninindigan ang Buklod CSSP sa pagsusulong ng tunay na demokratikong konsultasyon at popular na partisipasyon at representasyon bilang pundasyon sa pagtugon sa kagalingan, kapakanan at karapatan n mga mag-aaral. AKADEMIKONG KAGALINGAN Naninindigan ang Buklod CSSP sa pagtataguyod ng kagalingang pang-akademiko na makakamit lamang sa pamamagitan ng abot-kaya, kalidad at makabuluhang edukasyon at kahusayang intelektwal ng mga mag-aaral. Mahalagang kumatawan ito sa oryentasyon ng pamumuno at paglilingkod ng pamantasan. PANLIPUNANG KATWIRAN AT KAUNLARAN Naninindigan ang Buklod CSSP sa pagsusulong ng pakikibaka ng sambayanan para sa panlipunang katwiran - bilang pangunahing koniserasyon at prerekwisit sa panlipunang kaunlaran. PROGRESIBONG MULTI-PERSPEKTIBONG AKTIBISMO PROGRESIBO: laging pumapanig ang Buklod CSSP sa mga progresibong kilusang bayan na nagsusulong ng interes ng mga isinasagilid, sinasamantala at walang kapangyarihan. MULTIPERSPEKTIBO: bukod sa pagiging kontekstwal, bukas ang Buklod CSSP sa iba't ibang progresibong pananaw at pamamaraan tungo sa pag-aaral, pagsusuri at pag-unawa sa buhay at bayan. AKTIBISMO: laging kaugnay ng mga progresibong pananaw at pamamaraan ang progresibong paninindigan at pagkilos tungo sa panlipunang katwiran at kaunlaran, bilang mga tunay na ISKOLAR PARA SA BAYAN. |
Buklod CSSP is the college's premier service and leadership formation. For 22 years, we have delivered campaigns, services and activities relevant to the needs and advocacies of CSSP students.
Like us on Facebook Follow us on Twitter Contact us at [email protected] |